skip to main | skip to sidebar

About me

My Photo
thesecretrose.
a weirdo who loves til it hurts. an ordinary girl with a sad and complicated life. a misunderstood person who wants to be understood. an honest and simple person who simply wants to belong.

i'm me. there's nothing special. i breathe, eat, and sleep like everybody else. the greatest difference? i'm very stupid when it comes to love.
View my complete profile

Archivo del blog

  • ▼ 2009 (6)
    • ▼ May (1)
      • hirap mawalan ng ina.
    • ► January (5)
  • ► 2008 (3)
    • ► November (3)

behind that smile, is a broken heart.

This is a private blog to be seen only by "the chosen ones." It's a way of removing the stress, writing about everything. I do hope that the few people I have chosen will keep the secrets in this blog to the grave. (i'm serious.)

hirap mawalan ng ina.

Monday, May 11, 2009

Hindi ko alam kung ano gusto kong sabihin.. Sobrang ang sarap umiyak ngayon pero ayokong makita nila ako, ayokong magmukhang tanga at mahina sa harap ng family ko. Walang makakaintindi sa 'kin, alam ko yun. Yung taong akala kong maiintindihan ako at inassure ako, siya pa pinakunang nawalan ng gana sa pesteng ako. Eh bakit nga ba.. As if may magtitiis sa kin, hanga nga ako sa iba eh, ang tibay. Hindi pa sumusuko. Pero alam ko namang konting panahon nalang, bibigay din sila. Maiinis sa 'kin, magagalit, iccondemn ako, ssabihan ako ng go to hell, iisiping mas maganda pa kung wala ako sa mundo. Hindi ko siya mommy talaga, pero tinuring ko na siyang ganun. Friend ko siya at kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal at kung gaano kasakit sa 'kin na hindi ako nagpakita sa kanya kagabi.. Feb. pa kami last nagkita at sobrang miss na miss ko na siya. Pero kailangan talaga. Kasi akala ko darating dun yung taong gusto akong pasabugin. Malay ko ba namang hindi. Tapos hindi pa ko makatext kagabi dahil sa walang kwenta kong cellphone na naghang nung nasa araneta na kami. Hindi ko alam. Hindi rin siya nawala sa mundo, pero sa mundo ko, unti-unti na siyang aalis kasi galit siya sa kin. I always have the tendency para hindi ipilit ang sarili ko sa iba. Pero ngayon, gustong gusto kong magmakaawa sa kanya, para hindi siya magalit sa kin, para maintindihan nya ko, pra wag mawala yung friendship namin. Gusto kong pilitin siya, gusto kong gawin lahat ng pwede para lang wag siyang magalit sa kin. Pero ano nga bang magagawa ko. Wala naman di ba.. Wala kundi umiyak ng umiyak habang mag-isa kasi, once again, misunderstood na naman ako.


Lagi naman eh. Kelan nga ba ako naintindihan ng mga tao. Pinilit kong makapunta kagabi kahit na nagkagulo pa kami ng nanay ko talaga para lang sumaya ako. Pero yun pala hanggang dun nalang yun, pagkatapos pala puro problema lang. Kung alam niya lang sana na iniimagine ko ang sarili ko in 3 years na kasama ko na sila, na wala ng hahadlang sa 'min kasi legal age na at hahayaan na ko ng parents kong magpunta kung san ko gusto. Kung alam niya lang na pakiramdam ko ako ang pinakawalang hiyang tao sa mundo. Kung alam niya lang sana..


Si mommy, mahal ko yun, mahal na mahal. Kung alam niya lang sana. Pero hindi, parang nabura lahat lahat dahil lang sa lintek na pagpunta ko ng araneta kagabi. Lahat nalang dinidisappoint ko. Ang sarap sumabog. Sarap magbuntong ng lahat sa kung ano. Sarap magbato ng plato kung saan para lang hindi ganito kahirap huminga. Pero ano nga bang magagawa ko, wala. Wala talaga. Feeling ko sobrang helpless ko at feeling ko rin na wala ng magandang patutunguhan ang buhay na 'to. Kung wala akong takot sa Diyos, ang tagal ko na sigurong nagpakamatay.. Ang sarap isipin na sa isang iglap, wala ng problema. Wala ng gulo, wala ng aasahan. Siguro, kung meron akong natutunan ngayon, yun yung WAG UMASA SA IBA. Lalo na sa pang-unawa nila. Kasi in the end, wala rin namang makakaintindi sa 'kin kundi ako lang. Kaya maganda pa, wala nalang kaibigan sa mundo, walang pamilya, kanya kanya nalang dapat. Para walang nasasaktan, walang umiiyak, walang maddisappoint, walang aasa, walang magpapaasa.


KUNG ALAM MO LANG KUNG GAANO KITA KAMAHAL.

complicated post by thesecretrose. at 9:01 PM  

1 comments:

MinnieRunner said...
This comment has been removed by the author.
May 11, 2009 at 9:51 PM  

Post a Comment

Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod

Work under CC License

Creative Commons License